Thursday, October 16, 2014


MGA PILING PELIKULA NG KOREA (K-MOVIES)








NINA

Mike Lawrence Carpentero
Khim Mary Alcover
Leeanireb Dayondon
Donna Recca Espina
Dawson Cui



ST. JEROME HERMOSILLA
Oktubre 2014








Pasasalamat
Sa mga magulang ng mga mananaliksik na nagbigay na mataas na pasensiya sa aming mga katanungan at sa kanilang walang hanggang supporta sa aming mga gastusin sa pagsusuring ito.
       Sa mga guro ng mga mananaliksik na pinagkunan ng mga kadaragdangang impormasyon ikol sa paksang aming isinuri.
       Kay Ginoong Rufino P. Martinez Jr. na naging tagapagpayo kung ano ang dapat na impormasyon sa pananaliksik na ito. Sa mga kaulitan at kadaldalan na magtanongg kung paano gagawin ang pagsusuring ito, at sa kanyang pagbigay ng pasensya at oras upang planohing mabuti ang pagsusuring ito.
      Higit sa lahat ay sa ating Maykapal na nagbigay ng pagakataong mabuhay at matikman ang kagandahan ng mundong ito. Sa kangyang pag-gabay habang ginagawa naming ang pagsusuring ito.







Talaan ng Figyur at Talahanayan
                                                                                        Pahina
Figyur 1:                                                                      pahina 5
 Talahanayan bilang 1:
·         Kahalagahan ng pelikulang Miracle in Cell No.7          pahina 19-21
 Talahanayan bilang 2:
·         Pagsusuri sa pelikulang Korea Miracle in Cell no.7 at 200 pounds beauty                                                                              pahina 22-28
 Talahanayan bilang 3:
·         Tinatangkilik  ang Pelikulang “200 Pounds Beauty”    pahina 29-30







                                          Talaan ng Nilalaman
                                                                                         Pahina
·         Pasasalamat                                                                             i
·         Talaan Ng Nilalaman                                                               ii
·         Talaan Ng Figyur at Talahanayan                                          iii

·         Kabanata I: Ang Panimula                           
Ø  A.Rasyonale ng Pag-aaral                                                           1-2
Ø  B. Paglalahad ng Suliranin                                                           3
Ø  C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral                                       4
Ø  D. Batayang Teoritikal                                                                5-6
Ø  E. Saklaw at Limitasyon                                                              7
Ø  F. Kahulugan ng Katawagan                                                        8

·         Kabanata II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral               9-15
·         Kabanata III: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik            16-18
·         Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng Datos             19-30
·         Kabanata V: Lagom, Rekomendasyon, Konklusyon                    31-33

·         Bibliografiya                                                                        34
·         Appendiks                                                                          35-38        
·         Curriculum Vitae                                                                 39-48


KABANATA I
ANG PANIMULA
A. Rasyonale ng Pag-aaral
       Ang mga Korean Movies ay isa mga panitikang pampelikula na nagbibigay ng  aliw sa mga nanood dahil mayroong maraming aral ang mga ito. Ang mga Korean Movies ay ipinapakita sa buong Asya. Ang mga pelikulang ito’y bahagyang naglalarawan ng mga iba’t ibang uri ng buhay, pamumuhay at kuwentong nakakaantig sa puso’t damdamin ng isang manonood.
      Tinatangkilik ito ng mga tao tulad ng mga estyudante dahil sa mga tauhan na gusto nila makitang umarte. Dahil sa Korean Movies karamihan ay ang mga Kpop Stars ang bumibida sa mga ito. Iyan ang dahilan kung bakit tintangkilik ito sa mga iba’t ibang. Ang pagpapanood ng mga ito ay nagsisilbing libangan o kasiyahan ng mga ito. Hindi  man tayo pareha ng wika pero ang diwa nito’y hindi makakalimutan ng mga manonood. Tila hindi lahat ng mga Korean Movies ay ipinapakita sa buong bansa. Sa internet, dito makikita ang mga iba’t ibang Korean Movies. Sa lawak na narating ng teknolohiya, ito ang isa sa mga paraan na matatanaw ang mga Korean Movies.
        Sa positibong dako, mas nagkakaroon ng mas maraming ideya ang mga taong palaging nanonood ng Korean Movies sa uri ng pamumuhay ang mayroon ang mga Korean. Ipinapakita sa mga pelikula, ang mga pantikan ng bansa, iba’t ibang uri ng tao at mga aral na mayroon ang pampelikulang panitikan ng Korea.
        Positibo o negatibo man ang resulta ng panonood ng Korean Movies ay hindi naksalalay sa mga ito, kung hindi sa pagkatao ng siyang nanonood at ang aral na nakukuha sa mga pelikulang ito. Mahalaga rin na magabayan sila sa kanilang panonood upang maiwasan ang hindi pagbabalanse sapapamagitan sa pag-aaral at ang kaligayahang idinudulot ng K-Movies.

B. Paglalahad ng Suliranin
       Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa mga piling pelikula ng Korea. Nais ng mga mananaliksik matuklasan ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano ang kahalagahan na makukuha ng panonood ng mga K-Movies?
2. Ano ang naiambag nito sa pampanitikang pelikula?
3. Bakit tinatangkilik ang mga pelikula ng Korea?


C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
            Ang pananaliksik na ito ay inilahad ang mga layunin ng mga mananalikisik:
Makakuha ng impormasyon o datos sa kasaysayan ng Korean Movies. Nagdadagdag nang bagong ideya o kaisipan sa mga nanaliksik. Upang ipaliwanag ang  naiambag ng Korea sa pampanitikang pelikula. Upang mapaliwanag ang kahalagahan ng mga pelikula sa Korea. At upang mapag-aralan ang mga sangkap na mayroon ang mga pelikula ng Korea kay sa ibang mga pampanitikang pelikula.

           Ang pananaliksik na ito ay inilahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga mababanggit na tao.
          Sa mga mag-aaral. Malaman na ang palaging nanonood ng Korean Movies ay maaring nakabubuti at maari rin na naksasama sa ibang aspeto o pamamaraan.
          Sa mga hindi nanonood. Malaman na ang wikang ginagamit sa pelikula ay hindi batayan para mapatunayan na ang isang pelikula ay maganda basta nakukuha mo lang ang nais na ipinahihiwatig sa pelikula.
          Sa mga hindi interesado. Malaman na mayroong magagandang at iba’t ibang aral na makukuha sa mga pelikulang Korean lalo na sa mga panlipunang na mga isyus.


D. Batayang Teoritikal
          Sa pananaliksik na ito napili ng mga mananaliksik ang kahalagahan at ang naimbag nito sa atin. Ayon kay Fanny A. Garcia, isang guro at award-winning na manunulat, mahalaga’t kapaki-pakinabang na aktibidad ang panonood ng K-movies. Hindi lang ito paglilibang kundi edukasyonal pa nga: pag-aaral tungkol sa buhay, pagiging malay sa iba’t ibang kultura. Hindi man malawak at malalim ang kaalamang naihahatid sa pamamagitan ng pelikula, sapagkat nakapaloob ang mga ito sa pop culture at sa midyum ng TV, mas buhay na buhay na nailalahad ang kultura, na ang impact at impluwensya ay singlakas, kung hindi man mas malakas pa nga kaysa mga librong nakapaloob sa isang pormal na sistema ng edukasyon.
Figyur Bilang 1:

               Sa pananaliksik na ito napili ng mga mananaliksik ang pananaw Humanismo. Ayon sa impomasyong nakalap ni DhanikaMd, ang pagtangkilik ng mga tao sa pelikula ngayon, lalung-lalo na sa Korean Movies o mas kilala sa tawag na “K-Movies”. Magbibigay ng mga magagandang aral ang panonood ng pelikulang pinamagatang “Miracle in Cell No.7” sa mga tao. Si Fanny A. Garcia, isang guro’t award-winning na manunulat ay nagpapahayag na mahalaga’t kapaki-pakinabang na aktibidad ang panonood ng K-Movies. Hindi lang ito paglilibang, kung hindi ito rin ay naghahatid ng edukasyon; pag-aara; tungkol sa buhay, pagiging malay sa iba’t ibang kultura.



E. Saklaw at Limitasyon

          Sa pagsusuring  ito, nais ng mga mananaliksik na mabigyang pansin ang mga maaaring impluwensya ng mga pelikulang Korea sa mga manonood.  Ang  mga KMOVIES ay nagbibigay ng kasiyahan, nililibang at inaaliw ang mga manonood.

           Sa kasalukuyan, mas nakakaimpluwensya ang pelikula sa mga kabataan kumpara sa kanilang mga tahanan at paaralan. Ngunit kahit na ganito ang kalagayan ng mga kabataan sa ngayon, sinasabi na sila ang pinakamapanuri sa kanilang mga napapanood kung ihahambing sa ibang pangkat sa lipunan. Nasabi na ang mga kabataan ay nanonood ng telebisyon ng sampu hangganglabing-apat na oras sa isang linggo. Ang tanyag na programa sa mga kabataan ay ang mga teleserye kahit ang mga KMOVIES ay may ibang linggwahe maiintindihan parin ito dahil sa nauugnay nila ang storya at mga karakter sa kani-kanilang buhay.


F. Kahulugan ng Katawagan

·         Impact - ang epekto
·         Impluwensya - isang lakas, puwersa o kapangyarihanng nakapagpapabago na nagmumula sa labas ng isang tao o isang bagay na naimpluwensiyahan nito.
·         Karakter - ang mga tauhan na nagbibigay buhay sa kwento hindi lamang ito nagbibigayng buhay kundi nagbibigay din sila ng aral.
·         Kultura - ito ay ang pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at ang mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.
·         Lenggwahe - ito ang tawag sa pangunahing pananalita sa isang partikular na lugar o bansa.
·         Lipunan - Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon.
·         Midyum - katamtaman




KABANATA II

Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura

        Talagang parami na nang parami ang naiimpluwensyahan ng tinatawag na “Korean Trend” dito sa bansa. Kung kaya’t ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang alamin ang mga dahilan kung bakit nauso ito at naimpluwensyahan ang mga Pilipino, lalung-lalo na ang mga kabataan. Nakatakdang mangyari. Ang pagtaas ng popularidad ng Korean TV Dramas sa Pilipinas kasabay ng pagdami rin ng mga Koreanong naninirahansa ating bansa ay nagkaroon ng malaking epekto sa industriya ng Enterntainment. Sa kasalukuyan ang industriya ng musika sa ating bansaay napapalibutan na ng mga Korean Pop (Kpop) na pinangungunahan nggrupong 2NE1 at WonderGirls. Sa grupong 2NE1 nabibilang si Sandara Park na kung saan ay isa samga kilala at sikat na artista sa ating bansa. Sa ngayon, ang Boys Over Flowers ay ang isa sa mga paboritong palabas ng mga Pilipino. Ang mgakababaihan ay lubusan ng nahulog ang loob sa mga miyembro ng Korean F4 lalo na kina Lee Min Ho at Kim Bum. Dahil dito hindi maiiwasang magkaroon ng pagkukumpara sa pagitanng mga artista sa Pilipinas at South Korea. Ang patalastas na pinagbibdahannina Lee Min Ho at Sandara Park ay nailabas na sa Korea noong nakaraangbuwan. Ang nasabing patalastas para sa OB·s Cass Beer na kung saannagkaroon ng ´kissing scene sa pagitan ng dalawang artista ang nagdulotng pagkainggit at pagkatuwa na rin ng mga tagahanga nilang Pilipino. Matapos ang ilang lingo, Si Kim Bum na isa sa mga bida ng Boys Over Flowers ay nagtungo sa ating bansa para sa isang patalastas na gagawinnila ni Maja Salvador para sa RC Cola. Ang tema nito ay magkakaroon ng´Romantic Theme  na ilalabas din matapos ang ilang ia t. Ang mgapangyayaring ito ang hudyat ng pagsisimula ng pagkakaroon ng  magandang samahan ng dalawang bansa lalo na sa industriya ng enterntainment. Maraming nagsasabi na ang Korean Invasion ay kasalukuyan ngnaiimpluwensiyahan ia tang bansa. Tumaas na rin ang bilang ng mgaKoreanong nag-aaral sa mga unibersidad at paaralan sa ating bansa. Angmga magasin ng mga Koreano at maging ang kanilang mga musika aymaari na rin mabili sa mga malls sa ating bansa. Marami na rin ang mgagrocery stores at mga restaurant na pinapatakbo ng mga Koreano.Marahil ito pa lamang ang simula bago sila maging pinuno ng mgamga ia t na kompanya at mapantayan ang tagumpay ng mga Tsino sapagkakaroon ng mga negosyo sa ating bansa. Mayroon din takdangpanahon para ia t ngunit sa ngayon ay tunghayan na lamang natin angmga Korean TV Dramas at mga musika na kinahihiligan at gusto ngkaramihan.
          Hindi ako kabilang sa marami-raming Pinoy na kabisado ang bawat itsura’t pagkatao ng Super Junior. Bukod kay Sandara, hindi ko masasabingkilala ko ang mga kasapi ng 2NE1. At napapaindak man paminsan-minsansa kada family reunion na may ´Nobody,µ sa akin ay tipong ayos lang siya,tipong sakto lang. Pero oo, tanggap ko naman, isa na ang Pinas sa mgaAsyanong bansang pinutakti ng Korean Love Bug.Una kong napansin ang sariling pagkaantig mula sa commercial nginstant noodles. Habang isinasagawa ang usual channel surfing, tumambadsa TV screen ang isang maaliwalas na eksena ng pag-ibig³isang dalagangnaghihintay sa kanyang tindahan; isang lalaking singkit, mukhang dayuhan,pusturang-pustura sa kanyang kulay abong damit-panlamig; ang kanilangpaligid na nagliliwanag sa mga nalagas na dahon, ubod ng dilaw, naparang nanlalamon sa ulan ng madilaw na pag-asa. Habang tumutugtogsa background ang isang suwabeng ´langit ka, lupa ako«µmagkakatinginan ang dalawang bida, magkakangitian, magsasalita anglalake, isang dayuhang salita, isang di-pamilyar na magic word: JJAMPONG.At mangingiti ang babae dahil naiintindihan niya ang hiling ng dayuhan tilakanyang napaibig.Pagkalipas ng ilang buwan, mapapalitan ang romantikong eksenangito ng panibagong patalastas. Mula sa banayad na eksenang-suyuan,kakabog sa mga pandama ang eksena ng night life, ng mapusyaw na ilawng gimikan, ng seksing babaeng nagmamadali sa pagpasok sa club, ngmga lalaking nakapormang hip-hop, nag-aabang ang hindi gaanongkalakihang katawan. Muli, ibebenta nila ang init at anghang ng instantsabaw, kasabay ng init ng mga indak sa saliw ng mga linyang  ‘Jjampong my only one Jjampong  Jjampong real Korean Tamang pagmamaniobra ng tamis-tweetums at anghang.Magandang kombinasyon ng mga elementong parang bago pero parangnakasanayan. Hindi na lang natin namalayang kahit saan na tayo sumuksok,may Koreanong impluwensyang parang hindi na matakasan.At hindi naman ito bago. Sa katunayan, sa maraming pagkakataon,dumaan na ang Pilipinas sa maraming antas at proseso ng impluwensyangdayuhan. Ang sinasabing likas na pagmamahal ng mga Pilipino saromansa mga mangingibig na langit at lupa ang agwat, mgakontrabidang kapamilya, mga pang-aabuso·t pangako ng paghihiganti,ang inaasahang happy ending mahuhugot ang ganitong ´pagkanaturalµsa pagpasok ng mga kolonisador mula sa Espanya. Ayon sa mga pag-aaralng ilang iskolar, katulad nina Soledad Reyes at Joi Barrios, ang metricalromances nitong mga Espanyol ang nagtanim ng napakaraming nosyonnating mga Pilipino tungkol sa pagsusuyuan, paghahanap ng ideyal nakatambal sa buhay, ng akalang pag-ibig pero iyon pala·y mapanlokongromansa.Bagong-luma, lumang bago. Tulad ng pagpasok ng mga MexicanTelenovela bilang alternatibo sa mga ia t na soap opera. Natatandaan kopa kung gaano nagmukhang pagkahaba-haba ang saga nina Mara atClara noong naipakilala na sina Valeria Montoya ng
La Traidora, at noongtumagal ay nasundan ni Marimar, Maria Mercedes,Rosalinda, Maria La Del Barrio at lahat-lahat ng telenobelang nagawa ni Thalia sa buongsansinukob. Mula sa mga masalimuot na kabanatang nakasentro langnaman sa paghahanap ng nawawalang diary (na nasa ibabaw lang yatang TV), mas bumilis ang mga eksena. Si Thalia, buntis noong Lunes, maytatlong anak na pagdating ng Biyernes. Same old same old love story, napaiba lang sa pacing at hubog ng mga tauhan at lugar. Base satagumpay ng mga sumunod na ibinentang palabas, mukhang kinagatnaman nating mga nakatikim itong bagong-lumang putahe.2003. Unang taon ko bilang guro sa kolehiyo. Wala pang bakas ngpagkahumaling sa mga Koreano ang bansa, paano·y sina Dao Ming ia tang F4 ang kinababaliwan ng lahat-lahat. Sa Taiwanese na palabasipinakilala ang grupong medyo kakaiba, kakaiba kasi hindi sila katulad ngmga matikas at maskuladong leading man ng dating mga nakasanayangMexican telenovela. Payatot kung tutuusin ang mga bida, nagsusuot ngmga mabulaklak na damit, mahaba ang buhok, kung makapagpulbos pa·ytalaga naman mapapasigaw ka ng ´happy foundation day!µ Sila ang bidasa palabas na Meteor Garden’ itong mga lalaking lumilihis sa inaasahangmga bakas ng pagiging lalaki. O, ganoon sa unang tingin. Pagkat ito palangtila lalambot-lambot na mga bishonen ang siga ng kanilang eskuwela,mataas ang antas sa lipunan, hindi natatakot makipagbasag-ulo. Sa mundonila, mga propesor ang lumuluhod sa mga sigang estudyante kapagnagkakabanggaan sa hallway. Astig, para sa ilang mga tagapanood. Masastig ang bidang babae, dahil hindi na siya iyakin, hindi siya nagpapaulanng balde-baldeng luha. Ang bidang si Shan Chai, siya ang babaenghahamon sa mga siga ng kanilang eskuwelahan. Sa bandang huli, angiringan na ito ang magiging ugat ng pag-iibigan nilang dalawa ni Dao MingZi. Parang bago, parang luma. Muli, nalambat na naman ang panlasa ngmga tagapanood na pinaulanan ng pagkarami-raming patalastas ng F4, ngsandamakmak na poster at postcard at t-shirt at lahat-lahat sa mgaoverpass at bangketa, ng paulit-ulit na mga kanta ng F4 na hindi lang mgaactor kundi boyband din pala³nagpapaalingawngaw ng mga himig namay letrang marami ang walang naiintindihan.
         Ayon kay Fanny A. Garcia,

        “Sa K-dramas, alam na alam naman ng mga manonood na K-dramas ang pinanonood nila bago, habang, at matapos ang panonood. At ang malay na pagkaalam na telenovela lang ang pinanonood ay ang siyang marker ng manonood na hindi naman talaga totoo ang kanyang pinanonood. Ang mas malaking problema ay kung ang midya, sa pangkalahatan, ay nag-aalok sa kanya ng mga ideyang mala-telenovela sa pagiging fantastic. Sa pangkalahatan kung gayon, mahalaga’t kapaki-pakinabang na aktibidad ang panonood ng K-dramas. Hindi lang ito paglilibang kundi edukasyonal pa nga: pag-aaral tungkol sa buhay, pagiging malay sa iba’t ibang kultura.
Hindi man malawak at malalim ang kaalamang naihahatid sa pamamagitan ng telenovelas, sapagkat nakapaloob ang telenovelas sa pop culture at sa midyum ng TV, mas buhay na buhay na nailaladlad ang kultura, na ang impact at impluwensya ay singlakas, kung hindi man mas malakas pa nga kaysa mga librong nakapaloob sa isang pormal na sistema ng edukasyon. At sa isang mahirap pa ring bansang tulad ng Pilipinas kung saan ang edukasyon, kahit pa sa primarya man lang, ay isa pa ring pribiliheyo sa halip na pantay na karapatan ng mga mamamayan, ang napakapopular na telenovelas, sa puntong ito ng ating buhay-bansa ay K-dramas, hindi lang enterteynment ang telenovelas, isang paaralan na rin ito sa katunayan.”


Kaugnay na Pag-aaral

       Asian Drama Philippines, isang facebook page, ay gumawa ng isang pag-aaral tungkol sa ratings nito sa Pilipinas. Kapansin-pansin na mukhang sa matataas na ratings dumedepende ang GMA7 dahil karamihan sa nakuha nila ay top rated samantalang ang Abs-Cbn naman ay karaniwang sa gumaganap nakadepende p sa mga RomCom series, sa dalawang ito ating himayin ang naganap sa pagsasa-ere nito sa taong 2013.

    Ayon pa rin sa facebook page na Asian Drama Philippines, ang mga naglalakihang programa tulad ng Smile Dong Hae, My Husbands Got Family at My Daughter Souyoung ay naipalabas ng GMA7 kung saan naging maganda ang pag-ere ng smile Smile Dong Hae at My Daughter Souyoung ngunit ang numero unong programa ng South Korea na My Husbands Got Family ay isang malaking flop naman sa Pinas. Kapansin-pansin ilang sa mga tao ay maituturing na flop sa Korea ay talaga naming top ratong dito sa Pinas tulad ng maipalabas ng Abs-Cbn ang Love Rain, Ohlala Couple, at To The Beautiful You. Ang numero unong programa ng Abs-Cbn ay “The Love Story of Kangchi” at sa Gma7 naman ay “Smile Dong Hae”. Ang mga flop na series naman nila ay “You’re Still The One” na nagkaroon ng maraming cuts (ngunit nakatanggap ng positibong komento dahil mas naging kaabang-abang pa ito dahil tinanggal nila lahat ng mga boring at hindi importanteng series o episodes) at “Padam-Padam” na pinaka- maikling umere sa kasaysayan ng Philippines’ TV na ipinalabas ng 16 episodes lamang sa luob ng 30 minuto (nakatanggap ng negatibong komento dahil sa di-umanoy di makatarungang pagputol s amas mahahalagang eksena at hindi raw ito naintindihan ng mga manonood).






KABANATA III

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik


Pamaraan ng Pananaliksik
                        Hindi gaanong marami ang kaparaanan na ginagamit ng mga mananaliksik sa pagsusuri ng mga pining ng Korea. Sa pagsusuring ito, ginamit ng mga mananaliksik ang Teoryang Humanismo. Ang teoryang ito atumatalakay sa paniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kaibigang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloonin sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, “Ang tao ang sentro ng daigdig”, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kaparalan.” Ang teoryang Humanismo ay isang terminolohiyang kadalasang ginagamit kung naglalarawan ng isang kwento, nobela,etc, kung itatanong kung anong uri nito depende sa tema. Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may batas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.
                    Sa pagsuri ng mga piling pelikula ng Korea, inaalam ng mga mananaliksik ang kahalagahan na makukuha ng panonood ng mga K-Movies. Inaalam din ng mga mananaliksik na bakit tinataliksik ang mga pelikula ng Korea.

Pinagmulan ng mga Diyos
    Ang eksaktong pinagmulan ng mga akda na pinaghanguan ng mga mananaliksik ng mga salita at impormasyon ay nakuha sa ilang mga Blogsites at Websites gaya ng www.en.wikipedia.org at  sa www.scribd.com. Nakakuha rin kami ng KoreanFilm.org ng mga pahayagan ukol sa reaksyon sa mga K-MOVIES. Nakakuha rin kamo ng mga impormasyon sa mga review at journal na isinulat ni Fanny A. Garcia. Umabot kamo sa mga websites na ito sa pamagitan ng paggamit ng isang “search engine” at ito ay ang www.google.com.

Paraan ng Pagkalap ng Datos
                     Marami ang paraan sa pagkalap ng mga datos na ginamit ng mga mananaliksik. Inuna ng mga mananaliksik ang paghanap ng mga impormasyon ukol sa Korean Movies. Ginamit ng mga mananaliksik ang makabagong teknolohiya, ang internet upang suriin ang iba’t ibang pelikula ng Korea.
                         Isinunod ng mga mananaliksik ang pagtipon ng iba’t ibang impormasyong makinlang nakuha base sa mga datos na kanilang nasaliksik sa internet. Ang kanilang datos na nakuha mula sa internet ay nasa salitang ingles, kaya ito ay kanilang binago at inisalin sa salitang tagalog.

                          makaka-apekto ito sa buhay ng mga taong gusto manood ng mga K-MOVIES kapag natapos ang pananaliksik na ito dahil sa mga impormasyon nakalak ng mga mananaliksik. Makaka-impluwensiya rin ito sa ibang mga tao dahil ipinapaliwanag ng mga mananaliksik na mayroong mabuting makukuha at matatamo sa K-MOVIES.



KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS

Sa kabanatang ito ilalahad ang mga datos sa ginawang pagsusuri sa mga piling pelikula ng Korea. Kung anu-ano ang mga pelikulang pasok sa mga interes ng mga manonood. Magagawa ito sa pamamgaitan ng pagtuklas at pagsuri sa mga mensahe na nais ipahiwatig sa mga manonood.

Talahanayan Blg. 1: Kahalagahan ng pelikulang Miracle in Cell No.7
SENARYO SA PELIKULA
ARAL NA MAPUPULOT
1.   When Yong-gu pleaded the store not to sell the last Sailor Moon bag.
Every day, the father and daughter visit a particular store to check the Sailor Moon bag which Ye-Sung really wants but couldn't afford since Yong-gu's wage as a parking attendant isn't enough. When the last Sailor Moon bag has been purchased, Yong-gu entered the shop and pleaded the clerk to take it back. Yong-Gu ended up getting physically assaulted
    Dapat natin bigyan ng sapat na karapatan ang bawat isa tulad ni Young-gu na inaapi dahil wala siyang pera at isang ama na mayroong kapansanan sa pag-iisip. Ang tanging gusto lang ni Yung-Go ay mabigyan ng Sailormoon na bag ang kanyang minamahal na anak na si Ye-sung. Hindi porket mayaman ka na ay pwede ka ng manakit ang mang-api sa kapwa mong ta.
2.    When Ye-Sung asked the Chief Warden to arrest her too so that she could be with her father.
When Ye-Sung was taken away from her imprisoned father, she was hospitalized. When the Chief Warden visited her, she asked him to arrest her too.
  Matutunghayan niyo kung gaano kamahal ni Ye-Sung ang kanyang ama. Kahit nagkasakit siya ay gusto nyang nasa tabi lang nya ang kanyang ama. Mawalay man ang anak sa minamahal ay gagawa ito nang paraan upang makasama nila ito. Kahit ganito ang nangyari sa mag-ama ay nagawa pa rin nilang ngumiti,mabuhay ng marangal at pagiging malapit sa isa’t isa.
3.   When Ye-Sung and Yong-gu realize that death is about to separate them.
While the Chief Warden and Yong-gu's cellmates trained him prior to his final hearing, Yong-gu did not deliver the speech which would clear his name. Since he was threatened by the victim's father, Yong-gu opted to accept the death sentence in order to protect Ye-Sung.
  Hindi man nakamit ni Yong-gu ang hustisya, magagawa nyang ibuhos ang kanyang buhay para sa kanyang anak. Kapag mahal mo ang isang tao, kaya mong iwalay kung ano ang makapagpapasaya sayo para lang sa ikabubuti nang mahal mo.
Interpretasyon ng mananaliksik :
Mahirap man makuha ang hustisya pero darating ang panahon na makukuha natin ang dapat na sa atin dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ang kabutihan ay lagi mananaig sa mundong ito. Ayon din sa mga mananaliksik, mataas man og mababa ang antas ng buhay ay pantay-pantay an gating karapatan bilang isang tao. Ang kahalagahan nang pelikula ay upang makabigay nang aral sa mga manonood na maaari ring magamit nla sa pang araw-araw nilang buhay. Maaari rin nila itong ituro sa iba.




Talahanayan Blg. 2: Pagsusuri sa pelikulang Korea Miracle in Cell no.7 at 200 pounds beauty
MIRACLE IN CELL no. 7

Tema
Pagpapahalaga sa mga minamahal.
Musika
-Lee Dong-jun
TRACKS :
·       23th, December 
·       Dad 
·       Guys 
·       Delivery 
·       Moon & Star 
·       Farewell, Not Goodbye 
·       Hope 
·       Innocence 
·       Truth& Liar 
·       Is There Any Hope? 
·       Remaining Days 
·       Plan Montage 
·       Angel's Song / 수내 초등학교 합창단 
·       Balloon 
·       Don't Forget Today 
·       Farewell To Sadness 
·       Goodbye 
·       I Love You Dad 
·       Balloon (End Credit) 
·       Goodbye (Piano Version) 
·       Goodbye (Theatrical Version) 
·         With Love / 문예정터
Karakter

·         LEE YUNG GU - Ama ni Yea Song na mayroong depektosa pag-iisip; Napagbintangang may sala sa naganap naaksidente na nagdulot sa kanya upang makulong at masintensyahan ng kamatayan
·          YE-SEUNG -  Kang Seung-giinakamamahal na anak ni Lee Yung Gu; Matalinong bata na kayang tumayo sa sariling paa
·         BOSS YANG- HO -  Kasama ni LEE YUNG GU sa kulungan ; nagging pastor matapos makalaya ; hindi marunong magbasa
·         CHOOI CHUN HO – edukadong preso na kasama ni Lee Yung Gu
·         SHIN BONG-SIK

Cinematography

-Kang Seung-gi
“This movie filmed in a  jail,in Korea. It has been used good quality of cameras. The staff made this movie very well. I was able to watch some close-ups. For example, when they were fighting in a trial and flying at the balloon. Prison scenes were bright enough. That was different what I thought. However, outdoor scene was very dark, because the people were watching in a bad way.”

Awards at Nominasyon
·         Grand Prize for Film - Ryu Seung-ryong
·         Most Popular Actress - Park Shin-hye
·         Nomination - Best Film
·         Nomination - Best Actor - Ryu Seung-ryong
·         Nomination - Best Supporting Actor - Oh Dal-su
·         Nomination - Best Supporting Actress - Park Shin-hye
·         Nomination - Best New Actress - Kal So-won
·         Nomination - Best Screenplay - Lee Hwan-kyung, Kim Hwang-sung, Kim Young-seok
·         20's Movie Star, Male - Ryu Seung-ryong
·         Nomination - 20's Movie Star, Female - Park Shin-hye
2013 50th Grand Bell Awards
·         Best Actor - Ryu Seung-ryong
·         Special Jury Prize - Kal So-won
·         Best Screenplay - Lee Hwan-kyung
·         Nomination - Best Cinematography - Kang Seung-gi
·         Nomination - Best Director - Lee Hwan-kyung
·         Nomination - Best Supporting Actor - Oh Dal-su
·         Nomination - Best Actress - Kal So-won
·         Nomination - Best New Actress - Kal So-won
·         Most Popular Film
·         Nomination - Best Actor - Ryu Seung-ryong
·         Nomination - Best Music - Lee Dong-jun
·         Nomination - Best Screenplay - Lee Hwan-kyung
·         Best Supporting Actress - Park Shin-hye
2013 21st Korean Culture and Entertainment Awards
·         Grand Prize in Film: Ryu Seung-ryong
·         Top Excellence Award, Actor in Film: Oh Dal-su




Interpretasyon ng mananaliksik:
          Sa pagsusuri ng mananaliksik sa pelikulang Miracle in Cell No. 7, makikita mo kung papaano pinanghirapan ang paggawa nang pelikulang ito. Isang pelikula na makakuha talaga nang aral at atensiyon sa mga manonood lalo na maganda ang graphics ng kamera dito. Magaling din ang mga actor at aktres ng pelikula. Ito talaga ay may malaking karangal lalo na sa gumagawa nang pelikulang ito dahil marami ang sumasabaybay dito.











200 pounds beauty

Tema
Pagpapahalaga sa sariling kagandahan.
Musika
·        Maria - Kim A-joong 
·        . Star – Yumi
·         . Beautiful girl - Kim A-joong
·        . Dance with my daddy - Alex 
·        . You don't know I love you - U 
·         . Superstar - Loveholic 
·        . Star (Movie Edit) - Kim A-joong 
·         . Miss you much – Yumi
·         Tulip - Venny feat. Jong-hui
·         Like a Fool - Kim Hyung-joong
·         Beautiful girl (Teaser Edit) - Kim A-joong feat. Alex
Characters
·         Kim A-Joong -Jenny,
·         Kim Ah-Joong, -Han-Na
·         Joo Jin-Mo, -Sang-Joon
·         Ji Seo-Yun -Amy
·         Kim Hyun-Suk -Jeong-Min
·         Lim Hyeon-Shik -Han-Na's father,
·         Sung Dong-Il -Record Company Exec,
·         Kim Yong-Geon- Record Company CEO,
·         Lee Han- Wi -Plastic Surgeon,
·         Lee Won-Jong- Fortune Teller
·         Park No-Shik- Jenny's Fan
·         Lee Beom-Soo -hit taxi driver

Cinematography
Park Hyeon-cheol
Awards at Nominasyon
·         Best Actress - Kim Ah-joong
·         Best Cinematography - Park Hyeon-cheol
·         Best Editing - Park Gok-ji
·         Technical Award - Lee Seung-chul

·         Best Cinematography - Park Hyeon-cheol
·         Best Music - Lee Jae-hak
·         Best Actress - Kim Ah-joong
·         Nomination - Best Film
·         Nomination - Best Director - Kim Yong-hwa
·         Nomination - Best Art Direction - Jang Geun-yeong
·         Nomination - Best Costumes
·         Nomination - Best Editing - Park Gok-ji
·         Nomination - Best Visual Effects
·         Nomination - Best Sound

2007 Korea Movie Star Awards
·         Best New Actress - Kim Ah-joong
·         Special Appearance Award - Lee Beom-soo
·         Best Couple Award - Kim Ah-joong and Joo Jin-mo

·         Nomination - Best Film
·         Nomination - Best Actress - Kim Ah-joong
·         Nomination - Best Director - Kim Yong-hwa
·         Nomination - Best Screenplay - Kim Yong-hwa
·         Nomination - Best Music - Lee Jae-hak

·         Nomination - Best Actress - Kim Ah-joong
·         Nomination - Best Supporting Actress - Kim Hyun-sook
·         Nomination - Best Editing - Park Gok-ji
·         Nomination - Best Music - Lee Jae-hak
·         Nomination - Best Visual Effects



Interpretasyon ng mananaliksik:
Sa pagsusuri ng mananaliksik sa pelikulang 200 Pounds Beauty, makikita kung papaano pinagplanuhan upang makabuo ng isang pelikulang makapupulutan ng magagandang aral. Maganda ang mga anggulong pinakunan ng mga senaryo sa pelikula. Masusi ang pagpili ng mga aktor at aktres. Nagampanan nila ng mabuti ang mga tungkuling nakapaloob sa kanila. 







Talahanayan Blg. 3 : Tinatangkilik  ang Pelikulang “200 Pounds Beauty”
SENARYO SA PELIKULA
ARAL NA MAPUPULOT
1.   When Ammy humiliate Hana in front of Sang Jun.
One day, Ammy ungratefully humiliates her in front of the music company's director Sang-jun during his birthday party, knowing full well that Han-na has a crush on him. While crying in the bathroom, Han-na overhears Sang-jun telling Ammy that even though they are just using Han-na for her voice, they must be kind to her so she will not walk out on them.


      Sa eksenang ito, dapat huwag natin gawin ng masama an gating kapwa tao dahil hindi sa lahat ng oras ay nasa ibabaw tayo. Sa buhay maraming mga ganito at sumisira sa iyo pero dapat lumaban ka dahil hindi ka ipinanganak upang apihin sa ibang tao. Huwag kang pumayag upang apihin ng ibang tao tumayo ka’t lumaban para sa sarili mo. Kaya sa buhay ay dapat marunong kang ipaglaban ang karapatan mo.
2.   When Hana decided to change herself through plastic surgery.
Hana did the plastic surgery to change herself into someone else. She hide herself in the name of Jenny to gain the attention of Sang Jun.

        Sa eksenang ito, dapat ay maging kontento tayo kung ano ang binigay ng diyos para sa atin dahil alam niya kung ano ang nararapat para sa atin.
3.   When Jenny confess to the audience about her true identity.
On stage, Jenny can’t bring herself to sing. She confesses to everyone that she was fat, ugly Hana who used to sing backstage for a popular vocalist.

     Sa eksenang ito, dapat tanggapin natin kung ano ang mayroon tayo. Dapat maginf kontento at ipagmalaki mo sa lahat na mahal mo ang sarili mo dahil diyan ka magiging maganda sa paraan na iyan.

Interpretasyon ng mananaliksik :
          Hindi natin maiiwasan sa buhay na may mga taong mali ang pakikitungo sa atin at nanginginsulto. Ayon sa mga mananaliksik, dapat nating ilagay sa ating mga utak na kahit ano paman ang mga insulting binabato nila sa atin ay hindi tayo dapat magpadala sa mga tukso at kahit anumang masamang gawain na bumabagabag sa ating mga isipan sa mga panahong kagaya nito. Ang pelikulang ito ay tinangkilik ng bawat mamamayan dito at sa iba pang bansa dahil sa mga aral na mapupulot ng mga manonood na pwedeng gamitin sa pang araw-araw. Isa rin sa dahilan kung bakit tinangkilik ang pelikulang ito ay ang daloy ng kwento.

           Sa kabuuan, ang mga talahanayang ito ay nagpapahiwatig at nagpapatunay kung bakit tinatangkilik sa pinupuri ang mga pelikula ng South Korea.





KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON, IMPLIKASYON AT RECOMENDASYON

Lagom
          Batay sa pagsusuri ng mga mananaliksik tungkol sa mga KMOVIES, natuklasan ng mga mananaliksik na sa makabagong henerasyon mas inaabangan ng mga manonood ang mas kamangha-mangha at kawili-wiling mga pelikula. Napatunayan din na sa henerasyon ngayon lalo na sa mga kabataan na mas mahilig na silang manood ng mga pelikula kung saan maihahambing nila ang mga pangyayari sa bawat eksena sa kanilang buhay.
          Ang mga pelikulang Korea ay mas pinabuti at binibigyang tiyak na mga detalye bawat eksenang ginampanan ng bawat aktor o tauhan.
          Natuklasan din ng mga mananaliksik na isa sa mga rason ang tauhan o ang aktor na gumaganap sa isang pelikula kung bakit nag-iba ang hilig o pananaw nga mga manonood dahil ibina-base nila kung ito ay ang kanilang idolo o kaya ay hinahangaan nilang actor. Pinipili din nilang panoorin kung saan isang sikat ang gumaganap sa isang pelikula.



Konklusyon at Implikasyon:

                 Sa pag-unlad ng mga teknolohiya sa henerasyon natin ngayon at sa palaging  paglalaro ng ito ay nagdudulot ng masama sa kalusugan ng mga kabataan bumaba din ang “rating” o “percentage” ng mga kabataang nagbabasa ng mga libro. Ang hindi marunong bumasa ang kadalasang nagiging dahilan ng hindi pagbabasa ng mga kabataan ng libro ngunit marami pang dahilan katulad ng pagiging  tamad ng mga kabataan at hindi lubos maunawaan ang kwento sa libro.
Hindi masyadong nakakatulong ang mga teknolohiya sa pag-unlad ng kaisipan ng isang bata. Marami ang mga epekto kung kasanayan na ang paggamit ng “gadgets” tulad na lang ng kawalan ng kaalaman sa mga paksang tinatalakay at mahirap maunawa- an ang mga paksang ito.

          Sa pamamagitan ng mga teknolohiya, maaaring may mga pelikulang mapapanood ang mga bata kung saan hindi ito kaaya-aya at may mga masesenang eksena na dapat pagtuonan ng patnubay at pansin ng mga mas nakakatanda.



Rekomendasyon:
                                                                      
                Batay sa mga naging konklusyon ng pag-aaral na ito, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
* Dapat na bigyang pansin ng mga magulang kung ano ang ginagawa at kung anong mga pelikulang pinapanood ng mga ito.
* Patuloy na paggabay sa mga kabataan para sa mas epektibong solusyon sa mga problema. Kailangan din ng buong pusong suporta sa mga kabataan at iparamdam sa kanila ito.
* Makatutulong din ang paghati ng oraas ng bata, dapat na mayroon silang sapat na oras para sa kanilang mga gawain.
* Patnubayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa panonood ng mga pelikula.
* Isipin at pahalagahan ang suporta at gabay ng mga magulang at ibang tao.





BIBLIYOGRAPIYA

A.        Internet
            https://www.scribd.com/mobile/doc/211416818?width=320
                   http://www.asiandb.com/store/detail.php?num=19141
                   http://en.wikipedia.org/wiki/Miracle_in_Cell_No._7
                   http://www.asiandb.com/store/detail.php?num=19141
                   http://www.kpopstarz.com/articles/97625/20140701/miracle-cell-7-ending-top-5-heartbreaking-scenes-korean-film.html

B.        Mga Di-Nalathanang  Tesis at Disertasyon

Thao Emilie DO. “EMERGENCE OF THE KOREAN POPULAR CULTURE IN THE
WORLD”. TURKU UNIVERSITY OF APPLIED SCIENCES. 2012

William Tuk.” The Korean Wave:”.2013

C.        Aklat

Han Se Hee. “Globalization and hybridity of Korean cinema : critical analysis of Korean blockbuster films”.2011

Appendiks
          Ang mga sumusunod na kwento ay isa lamang sa mga korean movies na sumikat sa Plipinas, lalo na sa mga kabataan.

Miracle in Cell no. 7
          Ang pelikula ay naganap sa isang kulungan na kung saan karamihan ng mga karakter ay mga bilanggo sa ikapitong selda na siyang pinagkuhanan ng titulo ng pelikula. Si Yong-gu ang pangunahin tauhan na ginampanan ni Ryu Seung-ryeong. Meron syang sakit sa pag-iisip at walang kakayahang makapagsalita ng tuwid, ngunit isa siyang mapagmahal na ama kay Ye-Sung. Si Yong-gu ay nagtatrabaho sa isang paradahan ng sasakyan bilang isang enforcer. Siya at si Ye-Sung ay mahirap lamang, ni hindi nga nila magawang makabili ng Sailor Moon na bag na inaasam-asam ni Ye-Sung, pero kahit ganun, masaya sila.
           Isang malamig na araw,nag yelo ang mga daan sa bayan. At nadulas ang anak na babae ng hepe ng mga pulis sa nagyeyelong kalsada at nabagok ang ulo. Nakita ni Yong-gu ang aksidente at sinubukang tulungan ang bata. Sa kasamaang palad ay namatay ang batang babae at inakusahan siya ng kasong pagpatay, at dahil sa pagkakaroon ng kapansanan ay hindi nya nagawang ipagtanggol ang sarili.
           Hindi naglaon nakulong si Yong-gu at sinentensyahan ng parusang kamatayan, at sa ika-pitong selda nailagay kung saan minamaltrato siya ng kanyang mga kasamahan dahil nalaman nila na ang kaso niya ay may kinalaman sa pagpatay sa bata. Ngunit sa paglipas ng panahon nalaman ng kanyang mga kasamahan na hindi nya magagawang ang ganung krimen dahil nga siya ay may kapansanan. Nung bumisita si Yesung sa bilangguan upang magtanghal bilang mang-aawit, itinakas siya ng mga kasamahan ng kanyang ama upang makapiling niya muli ang kanyang ama.
          Ang mga naging kaibigan ni Yong-gu ang tumulong sa kanya sa nalalapit na huling paglilitis sa korte at nang sumapit ang araw ng paglilitis, pinuntahan ng hepe si Yong-gu at tinakot na papatayin din niya si YeSung kung hindi aakuin ni Yong-gu ang kasalanan. Walang nagawa si Yong-gu kundi akuin ang mga ibinibintang sa kanya. Kahit na may pagkukulang sa isip, alam nyang kayang saktan ng hepe ang kanyang mahal na anak.
           Nasayang ang lahat ng paghahansa nila dahil na sentinsyahan parin si Yong-gu ng parusang kamatayan. Sa kabila nito, naging masaya pa rin ang pagsasama ng mag-ama. Noong nahatulan na sya ng kamatayan, naging kahabag-habag ang mga pangyayari. Ang pelikulang ito ay pinaghalong malungkot at masayang katapusan, lumaki si Yesung at naging isang abogado na siyang nakapaglinis ng pangalan ng kanyang ama.





200 Pounds Beauty
           Si Han-na ay mapalad dahil sa kanyang kahusayan sa pagkanta. Pero dahil sa mataba siya, hindi siya ang hinahanap ng indutriya Korea at yan ang rason para kumanta siya sa likod ng entablado at pekehin ang bosses ni Ammy na siyang pinakasikat sa Korean dahil umano sa maganda niyang boses. Mababa lang ang tingin ni Han-na sa kanyang sarili dahil sa katabaan pero dahil sa mga sinasabi Sang-jun na prodyuser ni Ammy, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang sarili. Si Sang-jun ay walang pakialam sa pisikal na katangian ni Han-na dahil hangang-hanga lang ito sa talento nito sa pagkanta. Si Han-na ay may lihim na pagtingin kay Sang-jun, ngunit napatunayan niya na minamaliit din pala siya nito nung aksidente niyang narinig ang pag-uusap nito at ni Ammy dahil sa narinig niya ay sobra siyang nasaktan. Sa una, napag isipan ni Han-na na magpakamatay pero may naisip siyang mas maganda pa dito at  ito ay ang pagbabago  sa sarili sa tulong ng ‘plastic surgery’.
             Sa isang taon, hindi siya nagpakita kailan man at maging dahilan ng pagbagsak ni Ammy sa industriya dahil sa wala ng kakanta pa para sa kanya kasi hindi naman ito marunong kumanta at pumipiyok pa sa mataas na nota. Sa pagbalik ni Han-na ay nagpakilala siya bilang Jenny, isang maganda at seksing babae. Sinubukan niyang mag ‘audition’ sa industriya ni Sang-jun na naghahanap pa din ng ipangpapalit kay Han-na. Sa pagkarinig nito sa boses ni Jenny ay naging determido ito na gawing sikat si Jenny kapalit kay Ammy. Sa kabila nito, si Jenny ay nagkaroon ng chansa na maging ka relasyon si Sang-jun ngunit si Ammy ay mukhang may alam na sa totoong anyo ni Jenny at gusto nitong sirain ang career ni Jenny bago pa ito sumikat ng tuluyan.




CURRICULUM VITAE


PANGALAN: Mike Lawrence Carpentero
TIRAHAN: Ocaña, Carcar City Cebu
ARAW NG KAPANGANAKAN: September 11, 1997
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Cebu Sacred Heart Hospital
EDAD: 17
CONTACT #: 09225401942
EMAIL ADDRESS: do_mayk@yahoo.com
EDUKASYON:
          PRIMARY:
                                      Dapdap, Carcar City, Cebu
                                     Mother Mary’s Children School
         ELEMENTARY:  
                                      P. del Rosario St, Cebu City, Cebu
                                     University of San Carlos – South Campus (BEDSC)
                                      Poblacion 1, Carcar City, Cebu 
                                       St. Catherine’s College
         SECONDARY:   
                                       Poblacion 1, Carcar City, Cebu
                                       St. Catherine’s College
MIYEMBRO NG CLUB:  Excelsior, Veritas Club
  


CURRICULUM VITAE



 PANGALAN: Khim Mary J. Alcover
TIRAHAN: Dapdap Pob. III, Carcar City, Cebu
ARAW NG KAPANGANAKAN: Oktubre 9, 1998
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Community Hospital
EDAD: 16
CONTACT #: 09225231676
EMAIL ADDRESS: khimmaryalcover@yahoo.com
EDUKASYON:
          PRIMARY:
                      Carcar City, Cebu
                       Carcar Christian School
         ELEMENTARY:
                         Carcar City, Cebu
                         Carcar Christian School
                        P.Nellas St., Carcar City, Cebu
                        Carcar Central Elementary School
         SECONDARY:
                         Poblacion 1, Carcar City, Cebu
                         St. Catherine’s College
MIYEMBRO NG CLUB:  K-Pinoy Club, Veritas Club


CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Leeanireb A. Dayondon
TIRAHAN: Bonsai,Bolinawan Carcar City Cebu
ARAW NG KAPANGANAKAN: December 22,1997
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Tunasan,Muntinlupa
EDAD: 16
CONTACT #: 09434043565
EMAIL ADDRESS: dayondon.leean@yahoo.com
EDUKASYON:
          PRIMARY:
                      Poblacion 1, Carcar City, Cebu
                         St. Catherine’s College

         ELEMENTARY:
                         Poblacion 1, Carcar City, Cebu
                         St. Catherine’s College
         SECONDARY:
                         Poblacion 1, Carcar City, Cebu
                         St. Catherine’s College
MIYEMBRO NG CLUB: K-Pinoy


CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Donna Recca Espina
TIRAHAN: Perrelos, Carcar City, Cebu
ARAW NG KAPANGANAKAN: Mayo 23, 1999
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Community Hospital
EDAD: 15
CONTACT #: 09267851618
EMAIL ADDRESS: espinadonnarecca@gmail.com
EDUKASYON:
          PRIMARY:
                      San Antonio, Jubay, Lilo-an, Cebu
                       Jubay Elementary School
         ELEMENTARY:
                        Centro, Perrelos, Carcar City, Cebu
                        Perrelos Elementary School
         SECONDARY:
                         Poblacion 1, Carcar City, Cebu
                         St. Catherine’s College
MIYEMBRO NG CLUB: Veritas Club




CURRICULUM VITAE

PANGALAN: Dawson C. Cui
TIRAHAN: Cogon, Carcar City, Cebu
ARAW NG KAPANGANAKAN: March 1, 1999
LUGAR NG KAPANGANAKAN: Chong Wa Hospital
EDAD: 15
CONTACT #: 09235487737
EMAIL ADDRESS: drejyoshilance@gmail.com
EDUKASYON:
          PRIMARY:
                      Poblacion 1, Carcar city, Cebu
                       St. Catherine’s College
         ELEMENTARY:
                        Poblacion 1, Carcar City, Cebu
                        St, Catherine’s College
         SECONDARY:
                         Poblacion 1, Carcar City, Cebu
                         St. Catherine’s College
MIYEMBRO NG CLUB: Veritas Club